_ngayon
^

Bansa

Duterte hinanap si Leni sa SONA

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinanap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) si Vice President Leni Robredo.

Sa isang bahagi ng talumpati ni Duterte sa House of Representatives, binanggit nito ang Sorsogon sabay hanap kay Robredo.

“Sorsogon is a little politics but that’s the territory of our Vice President Leni Robredo. Are you here, Ma’am? Ah Zoom,” ani Duterte.

Agad namang ipinakita sa screen si Robredo na kumaway pa.

Nauna rito, binanggit ng Pangulo ang mga imprastruktura ng gobyerno maging sa Sorsogon.

Matatandaan na unang napaulat na hindi inimbitahan si Robredo sa SONA kaya sa pamamagitan na lamang ng zoom ito dadalo.

Nilinaw naman ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi ang Malacañang ang nagbibigay ng imbitasyon kung hindi ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa isang panayam sa radyo kay Barry Guttierez, spokesperson ni Robredo, sinabi nito na binawi ang virtual na imbitasyon kay Robrero at maaari na itong personal na dumalo sa SONA.

Pero hindi rin personal na nakadalo si Robredo dahil kailangan na kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 ng lahat ng mga dumalo sa SONA.

Related video:

SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with