_ngayon
^

Bansa

Senado mas maghihigpit sa pagbubukas ng sesyon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pagbubukas ng ses­yon ng Kongreso, maghihigpit ang Senado sa protocols para makapag-ingat sa COVID-19 partikular na sa Delta variant.

Sinabi ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, hybrid pa rin ang plenary session at mga committee hearing at magiging limitado pa rin ang mga physically present sa senado at mas nakakarami ang virtual o via video conference ang pagdalo.

Idinagdag pa ni Zubiri na mas magiging mahigpit ang pagpasok ng mga bisita at kailangan munang magnegatibo sa COVID-19 antigen swab test bago pumasok sa Senate hearing at may mahigpit na screening bago pumasok sa gusali dahil sa mga bagong kaso ng Delta variant.

Sa kabila nito tiniyak naman ni Zubiri na kahit hybrid pa rin ang kanilang trabaho ay maatupag pa rin nila ang mga panukalang batas na dapat busisiin.

Ngayong araw ay magkakaroon ng caucus ang mga Senador para isapinal ang mga priority bills ng Senador sa susunod na dalawang buwan bago pumasok ang Oktubre kung kailan magbi-break ang sesyon at maghahain na ng kandidatura ang mga tatakbo para sa 2022 elections.

SENATE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with