_ngayon
^

Bansa

COVID-19 cases sa 'Pinas 1.55 milyon na sa araw ng SONA ni Duterte

Philstar.com
COVID-19 cases sa 'Pinas 1.55 milyon na sa araw ng SONA ni Duterte
A volunteer medical worker administers a dose of the Sinovac Covid-19 vaccine to a construction worker during a vaccination drive for economic frontliners, organised by the vice president's office and city government, in Manila on July 20, 2021.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,664 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Lunes, kung kaya nasa 1,555,396 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,555,396
  • Nagpapagaling pa: 1,473,009, o 3.5% ng total infections
  • Kagagaling lang: 5,766, dahilan para maging 1,473,009 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 23, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 27,247

Lagpas 6-M bakunado ngayong SONA

  • Umakyat na sa dalawang dosenang (24) Delta variant cases ang mga kumpirmadong hindi pa natuturukan ng bakuna laban sa COVID-19 mula sa kabuuang 119 kaso. Sa kabila nito, aapat pa lang ang tiyak na tinamaan ng mas nakahahawang variant matapos makumpleto ang kanilang dalawang doses ng gamot.

  • Sa huling tala ng National Task Force Against COVID-19 ngayong araw, 6.08 milyon na ang nakakukumpleto ng COVID-19 vaccine doses sa Pilipinas. Bahagi lang 'yan ng 17.2 milyong doses na naiturok na ng Pilipinas mula Marso 2021.

  • Apat na Delta variant cases naman sa Cagayan de Oro City ang natukoy matapos makumpirmang dumalo sila sa iisang birthday party, ani CDO Mayor Oscar Moreno sa TeleRadyo.

  • Ngayong ika-anim na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, pinaalalahanan naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dapat mag-ingat ang mga dadalo sa mga kilos-protesta lalo na't tumitindi ang banta ng mas nakahahawang Delta variant.

    Kahit may karapatan aniya silang magpahayag, dapat daw ay sumunod sila sa mga itinakdang health protocols laban sa virus.

  • Umabot na sa 191.28 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.13 milyong katao.

— James Relativo

COVID-19 TALLY PHILIPPINES DELTA VARIANT NOVEL CORONAVIRUS SONA 2021
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with