_ngayon
^

Bansa

DOH: Unvaccinated 'Delta variant' cases sa bansa sumipa lalo sa 24

James Relativo - Philstar.com
DOH: Unvaccinated 'Delta variant' cases sa bansa sumipa lalo sa 24
Residents receive a dose of Johnson & Johnson COVID-19 vaccine at FilOil Flying V Center in San Juan City on July 21, 2021.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Umakyat pa lalo ang kumpirmadong bilang ng mga tinamaan ng mas nakahahawang "Delta variant" na hindi pa nababakunahan laban sa coronavirus disease, paglalahad ng Department of Health ngayong araw.

Sa 119 Delta variant cases na kinumpirma ng DOH ngayong Lunes, lumalabas ang sumusunod na datos: 

  • walang bakuna laban sa COVID-19 (24)
  • may isang dose ng vaccine (5)
  • may kumpletong dalawang doses (4)

Sa kabila nito, bineperipika pa ang vaccination status ng 86 iba pa na tinamaan ng COVID-19 Delta variant.

"Itong mga vaccination status ng mga may Delta variant ay kasalukuyang kinukumpleto pa rin natin," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes sa isang media forum.

"Ang meron kaming mga datos would be meron pong apat sa kanila na naka-recieve sila ng two doses. 'Yun pong two doses, ito pong apat na Delta variant cases na ito, tatlo po had mild cases at ang isa asymptomatic."

Sa hanay ng mga nakakuha ng iisang dose ng COVID-19 vaccine, tatlo ang nagpapakita ng mild symptoms habang dalawa ang asymptomatic pa rin hanggang ngayon.

Ang Delta variant ay itinuturing na isa sa mga pinakanakahahawang COVID-10 variants sa mundo, kahit sa hanay ng mga mas nakahahawa na ngang variants of concern.

Bakuna epektibo vs variants

Pagdating sa mga nakumpirma na ang vaccination status, umaayon ang mga pag-aaral na nakapagbibigay ng proteksyon laban sa nakamamatay na virus ang mga bakuna. Gayunpaman, meron pa ring mga "breakthrough cases" na mangilan-ngilan, o 'yung mga tinatamaan pa rin ng COVID-19 kahit kumpleto na ang turok ng bakuna.

"'Yung tatlo pong namatay sa Delta variant dito sa ating 199 cases, dalawa po sa kanila ang unvaccinated. 'Yung isa pa we are still verifying because this is a returning overseas Filipino," dagdag ni Vergeire.

"Bigyan po natin ng credence ito pong sinasabi natin that get yourselves vaccinated. It will protect you from any variant there is in our country."

Linggo lang nang iulat ng DOH na umabot na sa 1.54 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, yumao na ang 27,224.

6-M fully vaccinated

Sa huling datos na inilabas ng National Task Force Against COVID-19 kanina, umabot na sa 17,202,421 ang kabuuang bilang ng doses ng bakuna na naibibigay sa publiko.

Lagpas 6 milyon na ang fully vaccinated sa ngayon, habang 11.11 milyon naman ang sinasabing first dose pa lang ang nakukuha.

"Our defense against COVID-19 and its variants is by following the minimum public health standards and getting vaccinated. Let's remember to properly wear our masks and face shields, observe physical distancing, wash our hands, and ensure there is ventilation when we are indoors," ayon sa task force.

COVID-19 VACCINES DELTA VARIANT DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with