_ngayon
^

Bansa

3 patay sa habagat, 5 sugatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
3 patay sa habagat, 5 sugatan
Ayon kay National Disaster Risk Reduction Ma­nagement Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, isa ang nasawi ng tamaan ng bumagsak na punongkahoy, habang dalawa ang tinamaan ng kidlat.
Philippine Coast Guard/Facebook

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasawi habang lima ang nasugatan dulot ng habagat na nagpapa-ulan ngayon sa mara­ming bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction Ma­nagement Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, isa ang nasawi ng tamaan ng bumagsak na punongkahoy, habang dalawa ang tinamaan ng kidlat.

Dagdag pa ni Timbal, sumampa na sa 44,563 katao ang inilikas at kasalukuyang tumutuloy sa 81 evacuation centers nationwide dahil pa rin sa southwest monsoon.

Dahil dito, pinag-iingat ng NDRRMC ang publiko dahil magpapatuloy pa rin ang pag-ulan hanggang Miyerkules.

Sinabi ni Timbal, kahit wala na ang bagyo sa norte, kailangan pa rin mag-ingat dahil tuluy-tuloy pa rin ang habagat. Ilan sa mga siyudad sa Metro Manila ay binaha dahil sa patuloy na pag-ulan.

Samantala, sinabi naman ng PAGASA, dahil sa patuloy na habagat, ang Metro Manila, Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Calamian Islands ay makakaranas pa rin ng monsoon rains.

Pina-alalahanan din ng PAGASA na posibleng magkaroon ng flash floods o landslides sa mga nabanggit na lugar dahil sa habagat.

NDRRMC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with