_ngayon
^

Bansa

Duterte nairita: ‘Nagpapabakuna ‘wag papilahin sa ulan at baha’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duterte nairita: âNagpapabakuna âwag papilahin sa ulan at bahaâ
Ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apela matapos makita sa mga ulat ng media ang mahabang pila ng mga magpapabakuna sa gitna ng malakas na ulan at baha.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang local government units (LGUs) na huwag namang papilahin sa ilalim ng ulan at mga bahang lugar ang mga magpapabakuna kontra COVID-19 virus.

Ginawa ni Duterte ang apela matapos makita sa mga ulat ng media ang mahabang pila ng mga magpapabakuna sa gitna ng malakas na ulan at baha.

Sinabi ng Pangulo na dapat gumawa ng paraan ang LGUs ng mas maayos na proseso ng bakunahan kaysa hayaan ang mga tao na pumila ng mas maaga sa alas-4 ng umaga at makakuha ng bakuna ng alas-9 ng umaga.

Dahil dito kaya inatasan ng Pangulo si Interior Secretary Eduardo Año na maglabas ng direktiba para magkaroon ang LGUs ng mas “proactive” at circumspectively” na aksyon lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Dapat din umanong gamitin ng mga mayor at barangay captain ang kanilang common sense at humanap ng tuyo at mas malaking lugar para isagawa ang bakunahan at gumawa ng mas maayos na schedule para mabakunahan ang mga tao.

Binalaan naman ni Duterte ang LGUs na hindi na dapat maulit ang mga ganitong pangyayari dahil kawawa ang mga tao na lantad sa iba’t ibang uri ng sakit tulad ng leptospiroris, flu at iba pang respiratory diseases.

Ang babala ng Pangulo ay dahil sa mga ulat na sa kabila ng masamang panahon ay pumila pa rin sa iba’t ibang vaccination sites sa Metro Manila ang mga tao para magpabakuna kontra COVID-19.

 

LGU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with