_ngayon
^

Bansa

Pagbuhay sa PMVIC ok sa DOTr

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagbuhay sa PMVIC ok sa DOTr
Sinabi ng DOTr na kinikilala nila ang mga isyu na inihayag Senator Ralph Recto na may kaugnayan sa legalidad ng PMVIC gayundin ang pangangailangan na i-adopt ang comprehensive vehicle roadworthiness inspection system.
Recto office/file

MANILA, Philippines — Welcome sa Department of Transportation (DOTr) ang naging pahayag ni Senator Ralph Recto kaugnay sa pagbuhay ng Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) Program.

Sinabi ng DOTr na kinikilala nila ang mga isyu na inihayag Recto na may kaugnayan sa legalidad ng PMVIC gayundin ang pangangailangan na i-adopt ang comprehensive vehicle roadworthiness inspection system.

Base sa legal opinion ng Office of the Solicitor General (OSG) noong March 18, 2021, nakasaad na may kapangyarihan ang DOTr at LTO na tiyakin ang roadworthiness ng mga sasakyan at magpatupad ng  motor vehicle inspection system (MVIS).

Base rin sa Administrative Code of 1987 at Executive Order 125-A na maaring pahintulutan ng DOTr at LTO ang mga korporasyon o organisasyon ito man ay pribado o pampubliko na lumahok sa pagpapatupad ng mga programa na may kaugnayan sa transportasyon.

Iginiit din ng OSG sa kanilang legal opinion na hindi ipinapasa ng DOTr sa private sector ang kapangyarihan na inatang sa kanila bagkus ang ginagawa lamang nito ay humingi ng tulong sa pribadong sektor.

Kaugnay naman sa sinasabing suking PMVIC, sinabi ng DOTr na ang mga tanggapan ng LTO na may mga PMVIC GAORs ay maaring tumanggap ng resulta mula sa PMVIC na nasa kanilang area of coverage.

DOTR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with