_ngayon
^

Bansa

55 pang Delta variant naitala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
55 pang Delta variant naitala
Ayon sa ulat, nadagdagan ng 55 bagong kaso ng Delta variant kung saan 37 ang local cases, 17 ang Returning Overseas Filipino (ROFs), at isa ang kasalukuyan pang biniberipika kung local o ROF case.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Lumobo na sa 119 ang natukoy na kaso ng Delta variant ng COVID-19, batay sa pinakahuling ulat ng Department of Health, University of the Philippines - Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines - National Institutes of Health (UP-NIH) nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat, nadagdagan ng 55 bagong kaso ng Delta variant kung saan 37 ang local cases, 17 ang Returning Overseas Filipino (ROFs), at isa ang kasalukuyan pang biniberipika kung local o ROF case.

Maliban sa bagong Delta (B.1.617.2) variant cases, nakapagtala pa ng 94 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 179 Beta (B.1.351) at siyam na P.3 variant cases sa hu­ling batch ng whole genome sequencing na isinagawa.

Sa 37 local cases, 14 ang mula sa CALABARZON, walo ang mula sa Northern Mindanao, anim ang may address sa National Capital Region (NCR), anim mula sa Central Luzon, dalawa mula sa Davao Region, at isa mula sa Ilocos Region.

Isa sa 55 ang namatay habang ang 54 ay nakarekober na sa sakit.

Ipinaliwanag nito na ang layunin nang isinasagawa nilang patuloy na whole genome sequencing ay upang magabayan ang overall strategies ng pamahalaan at hindi para sa individual case management.

Ipinaalala rin naman ng DOH na dapat pa ring patuloy na ipatupad ang lahat ng kinakailangang health measures upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa komunidad.

UP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with