_ngayon
^

Bansa

Drug war ng pamahalaan matagumpay – DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na isang ‘tremendous success’ ang walang humpay na anti-illegal drug campaign ng pamahalaang Duterte.

Ito’y sa kabila ng mga pagbatikos ng mga kritiko sa naturang drug war ng pamahalaan bunsod nang anila’y mga nagaganap na patayan o extra judicial killings (EJK).

Ayon kay Malaya, nagpopokus lamang ang mga kritiko sa sinasabi ng mga ito na EJK upang ilarawan na bigo ang drug war ng pamahalaan.

Gayunman, naniniwala si Malaya na hindi failure ang drug war ng pamahalaan at sa halip ay naging matagumpay ito.

Sa kabila nito, aminado naman si Malaya na walang bansa ang nagtagumpay na tuluyang maresolba ang problema sa ilegal na droga.

Binigyang-diin nito na ang mahalaga ay kontrolado ang problema at napigilang lumala pa.

“Wala pa namang bansa na nag-solve ng drug problem completely. Kahit ang US, despite its resources, hindi naman talaga nauubos ’yan. Ang importante po you keep it at bay,” aniya pa.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with