_ngayon
^

Bansa

Taas-presyo sa bilihin ipagpaliban muna

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing kinontra ni Senador Francis “Kiko” Pangi­linan ang planong pagtataas sa presyo ng ilang pangunahing bilihin, sa paggiit na hindi pa ito napapanahon sa gitna ng pandemya.

“Maraming Pilipino pa rin ang hindi nakakabangon sa epekto ng pandemya at marami sa kanila ang walang trabaho at kita, pero gusto na natin silang patawan ng dagdag na bigat sa mas mataas na presyo ng bilihin,” wika ni Pangilinan.

Nanawagan si Pangilinan sa Department of Trade and Industry (DTI) na ipagpaliban muna ang dagdag na presyo sa mga pangunahing bilihin habang umiiral pa ang pandemya.

“Naintindihan natin na kailangang timbangin ng DTI ang mga isyung pang-ekonomiya. Ngunit sa panahon ng pandemya, unahin muna natin ang kapakanan ng ating mamamayan,” ani Pangilinan.

Una nang sinabi ng DTI na pinag-aaralan pa nila ang hiling na magtaas ng presyo sa ilang panguna­hing bilihin, tulad ng delata gaya ng sardinas, instant noodles, gatas at kape.

Ngunit para kay Pangilinan, panibagong pasanin na naman ito sa mga Pilipino na hindi na halos makahinga dahil sa sobrang paghihigpit ng sinturon para malampasan ang epekto ng pandemya.

DTI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with