_ngayon
^

Bansa

Bong Go sa publiko: ‘Wag magpapetik-petik sa Delta variant

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habang patuloy na binabalanse ng pamahalaan ang pagpoprotekta sa kalusugan ng Filipino at pagbabangon sa ekonomiya, nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na huwag magpapetik-petik o magpakakampante laban sa lumalakas na Delta variant ng COVID-19.

“Huwag po tayo magkumpyansa lalo na’t may local transmission na ng Delta variant. Patuloy po tayong mag-ingat, sumunod sa mga patakaran, at makipagtulungan sa ating gobyerno,” idiniin ni Go.

Ayon kay Go, ang ginagawang paghihigpit sa health protocols, gaya ng testing, contact tra­cing, isolation at iba pang COVID-19 response measures, ay lalong dapat paigtingin kasabay ng pagpapatupad ng istriktong border controls pagpapalawak ng health service delivery.

Muli rin niyang hinikayat ang economic frontliners, lalo ang public transport workers na magpabakuna na kung sila ay eligible o kabilang sa A4 priority group.

Ang mga pahayag na ito ay ginawa ni Go habang ang kanyang grupo ay nagsasagawa ng pamamahagi ng ayuda sa may 2,000 Tricycle Operators and Drivers Association members sa Caloocan City sa magkasunod na araw.

Sa kanyang video message, lubos na pinasalamatan ni Go ang mga benepisyaryong tricycle drivers at operators sa kanilang patuloy na pagsisikap na mabuhay ang kani-kanilang pamilya at makapagsilbi sa komunidad.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with