_ngayon
^

Bansa

‘All systems go’ sa SONA ni Duterte

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni House Speaker Lord Allan Velasco na “all systems go” na ang House of Representatives sa huling State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Roa Duterte ngayong Lunes.

Ayon kay  Velasco, ipatutupad ang mahigpit na seguridad at health restrictions upang matiyak ang  kaligtasan ni Pangulong Duterte, members, staff ng Kongreso at iba pang guest.

Limitado lamang ang natakdang dumalo sa SONA  sa Batasan na hanggang ngayon ay naka-lockdown.

Mag-iisyu rin ng special identification cards sa mga essential congressional staff at SONA attendees. Kailangan lamang na iprisinta ang kanilang fully vaccina­ted, at negative results ng RT-PCR at antigen tests bago papasukin sa Kamara.

Nasa 300 lamang ang papapasukin sa halip na 1,450 na sasailalim sa special security at public health protocols.

Mamanduhan din ang daloy ng trapiko at maglalagay ng barikada at checkpoints upang masiguro na ang mga expected at invited guest lamang ang  makakapasok.

Pinuri rin ni Velasco ang mga House officials na sina Secretary Ge­neral Mark Llandro Mendoza at Sergeant-at-Arms Mao Aplasca para sa maayos na koordinasyon sa Malacañang at iba pang  government agencies.

“I believe that the President will go back from the start of his administration since 2016. We accomplished a lot in that period,” ani Velasco.

SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with