_ngayon
^

Bansa

‘Zero crime’ sa SONA tiniyak ng NCRPO

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Major General Vicente Danao Jr. na plantsado ang seguridad para makatiyak na “zero crime incidents” sa huling State of the Nation Address  (SONA) ni Pangulong Rodrigo  Duterte ngayong Lunes.

Tulad ng mga nakalipas na SONA, naitalang ge­nerally peaceful na walang insidente ng krimen sa kabila ng mga kilos-protesta at banta ng COVID-19 noong nakaraang taon, handang-handa na ang Security Task Force “SONA 2021” sa pamumuno ni Danao, bilang task force commander.

Binubuo ang Security Task Force “SONA 2021” ng 4 na Task Force, kabilang ang TF Anti-Criminality,  na tututok sa tuluy-tuloy na pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan; TF Antabay,  para sa mabilis na deployment at intervention; TF RIMLAND,  para sa pagpapakalat ng security personnel, civil disturbance management, traffic management at  control  at iba pang public safety services; at ang TF RESERVE.

May kabuuang bilang na 15,174 personnel ang ipinuwesto upang matiyak ang seguridad at maging maayos, ayon sa plano.

Ani Danao, mas maigting ang pagbabantay sa pagtutulung-tulong ng mga ahensya ng pamahalaan kabilang ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines (AFP), Joint Task Force- NCR (JTF-NCR), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Coast Guard (PCG), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Land Transportation Office(LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of Health (DOH), Office of the Civil Defense (OCD), QC Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), QC-Department of Public Order and Safety (DPOS) at Philippine Red Cross (PRC)”.

Isang araw bago ang SONA, idineklarang “no fly zone at no drone zone” maging ang mga ports at waterways sa Batasang Pambansa at kalapit na lugar.  

SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with