_ngayon
^

Bansa

Lindol sa Batangas walang koneksiyon sa Taal

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Lindol sa Batangas walang koneksiyon sa Taal
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, ang malakas na lindol ay dulot ng pagkilos ng Manila Trench na bunga ng pagsisiksikan ng mga bato sa ilalim ng lupa.
Phivolcs

MANILA, Philippines — Walang kinalaman sa pag-aalboroto ng bulkang Taal sa ang naganap na malakas na pagyanig kahapon na sumentro sa Calatagan,Batangas.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, ang malakas na lindol ay dulot ng pagkilos ng Manila Trench na bunga ng pagsisiksikan ng mga bato sa ilalim ng lupa.

“Ang lindol kanina 4:48 ng madaling araw ay sanhi ng pagkilos ng Manila Trench kung saan bloke ng bato na galing sa West Philippine Sea ay sumusuksok pailalim at umaabot sa areas ng Calatagan at Mindoro. Ito ay walang kinalaman sa volcanic activity ng Taal at madalas na nangyayari. Minsan, ang mga lindol dito sa ilalim ng Calatagan ay nararamdaman sa Metro Manila,” paliwanag ni Solidum.

Pero itinanggi ni Solidum na ang nangyaring malakas na lindol ay simula na ng tinatawag na ‘the big one.’

Niliwanag din ni Solidum na naibaba na nila sa Alert level 2 mula sa Alert level 3 ang Taal dahil sa isang araw ay dumadalang na ang pagyanig sa bulkan.

Gayunman, sinabi ni Solidum na kahit hindi gaanong matindi ang pag-aalboroto ng Taal sa ngayon ay hindi dapat maging  kampante ang publiko dahil kung minsan ang pananahimik ng bulkan ay bahagi ng pag-iipon ng lakas para sa isang pagsabog.

Kahit nasa alert level 2 na ngayon ang Taal, pinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa Taal Volcano island dahil sa panganib na maaaring idulot ng bulkan oras na may maganap ditong pagsabog.

TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with