_ngayon
^

Bansa

Ramdam din sa Metro Manila

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ramdam din sa Metro Manila
Sa ulat ng Phivolcs, naitala ang lindol alas-4:48 ng umaga. Ang sentro ay nasa Calatagan, Batangas at may lalim na 123 km at tectonic ang pinagmulan.
STAR/ File

6.6 magnitude na lindol, yumanig sa Batangas

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.6 lindol ang lalawigan ng Batangas na naramdaman din hanggang Metro Manila at kalapit na mga lugar, kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Phivolcs, naitala ang lindol alas-4:48 ng umaga. Ang sentro ay nasa Calatagan, Batangas at may lalim na 123 km at tectonic ang pinagmulan.

Bunga nito, naramdaman ang lakas na Intensity V sa Calapan City, Puerto Galera, Oriental Mindoro; Sablayan at Magsaysay, Occidental Mindoro; Carmona at Dasmariñas City, Cavite.

Intensity IV sa Quezon City; Marikina City; Manila City; Makati City; Taguig City; Valenzuela City; Pasay City; Tagaytay City, Cavite; Batangas City at  Talisay City, Batangas; San Mateo, Rizal at Intensity III sa Pasig City; San Jose del Monte City, Bulacan.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, nakapagtala ng mahigit na 80 aftershocks kung saan ang pinakamalakas ay may magnitude 5.5 bandang 4:57 ng umaga o 9 na minuto matapos ang lindol.

Naramdaman ang Intensity V sa Calatagan, Batangas, Intensity IV - Balayan, Calaca & Mabini, Batangas, Intensity III - Quezon City; Makati City; Manila City; Tagaytay City at Naic, Cavite; Batangas City, San Pascual at Bauan, Batangas; Hermosa, Bataan at Intensity II - Lipa City, Batangas.

Wala namang naiulat na nasaktan, nasawi o napinsalang ari-arian sa insidente.

Una ng pinawi ng Phivolcs ang anumang banta ng tsunami sa kabila na ang sentro ng lindol ay nanggaling sa 166 km na lalim ng tubig. — Malou Escudero

PHILVOCS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with