_ngayon
^

Bansa

37% ng Pinoy umaasang gaganda ang buhay sa susunod na 12 buwan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki ang paniwala ng may 37 percent ng mga Pinoy na gaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.

Batay sa pinaka huling survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS) mula June 23-26, lumabas din na may 7 percent ang nagsabing ang kalidad ng kanilang buhay ay lulubha habang 42% ang nagsabing pareho lamang ng kalidad ng buhay ang mararanasan sa susunod na mga buwan.

Nasa 14% naman ang hindi sumagot at hindi nagbigay ng komento.

Lumalabas na ang net personal optimism score ay +30, na ayon sa SWS ay very high. Anim na puntos na mas mataas ito kumpara sa +24 (high) noong May, at 5 points na mababa sa +35 (very high) noong November 2020.

“Still, the last three surveys show a continuing recovery from historic lows of -19 in May 2020 and -10 in July 2020,” sabi ng SWS.

Ang  non-commissioned survey ay isinagawa ng face-to-face sa 1,200 adults nationwide na may 300 respondents ang bawat lugar sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon (Balance Luzon), Visayas, at Mindanao.

SWS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with