_ngayon
^

Bansa

NCR balik-GCQ ‘with heightened restrictions’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
NCR balik-GCQ âwith heightened restrictionsâ
Ang apat na probinsiya ay ang Ilocos Norte at Ilocos Sur na unang inilagay sa ilalim ng Modi­fied General Community Quarantine (MGCQ) at Davao de Oro at Davao del Norte na dating nasa Modified Enhanced Community Quarantine.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang National Capital Region (NCR) at apat na iba pang probinsiya sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions mula Hulyo 23, 2021 hanggang Hulyo 31, 2021.

Ang apat na probinsiya ay ang Ilocos Norte at Ilocos Sur na unang inilagay sa ilalim ng Modi­fied General Community Quarantine (MGCQ) at Davao de Oro at Davao del Norte na dating nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Hindi papayagan ang mga bata na edad 5-17 taong gulang na lumabas sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ with heightened restrictions base sa Resolution No. 125 ng IATF.

Samantala, ang Davao del Sur, na dating nasa MECQ ay inilagay sa GCQ simula kahapon, Hulyo 23 hanggang Hulyo 31, 2021.

Kapag ang isang lugar ay nasa ilalim ng GCQ with heightened restrictions, tanging mga essential travel lamang papasok at palabas ng lugar ang papayagan.

Magpapatuloy pa rin ang mga public transportation kung saan ang kapasidad at protocols ay dapat naaayon sa guidelines ng Department of Transportation.

Ang indoor dine-in services ay itinakda sa 20% venue o seating capacity samantalang ang outdoor o al fresco ay 50% venue o seating capacity.

Pinapayagan ang mga religious gathe­rings at pagtitipon para sa necrological servi­ces, wakes, inurnment at funerals pero hanggang 10% venue capacity lamang.

Maaari ring magpa­tuloy sa mga GCQ areas with heightened restrictions at mga non-contact sports, games, scrimmages na isinasagawa sa labas; at mga perso­nal care services na hindi kailangang magtanggal ng face mask katulad ng salons, parlors, beauty clinics, at iba pa pero hanggang 30% capacity lamang.

Ang mga hindi pina­payagang magbukas  sa mga GCQ with heightened restrictions ay ang entertainment venues katulad ng concert halls, theaters ; recreational venues katulad ng internet cafes, billiards halls, arcades, etc; amusement parks, fairs, playgrounds, kiddie rides; indoor sports courts at  indoor tou­rist attractions; venues para sa meetings, conferences, exhibitions.

GCQ IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with