_ngayon
^

Bansa

Travel ban sa Malaysia at Thailand inaprubahan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Travel ban sa Malaysia at Thailand inaprubahan
Ang pagbabawal na makapasok sa bansa ay magsisimula sa 12:01 AM ng Hulyo 25 hanggang 11:59 ng Hulyo 31.
The STAR/Rudy Santos, file

MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng travel ban sa mga biyahero mula sa Malaysia at Thailand o mga may travel history sa dalawang bansa sa loob ng nakalipas na 14 araw bago dumating sa Pilipinas.

Ang pagbabawal na makapasok sa bansa ay magsisimula sa 12:01 AM ng Hulyo 25 hanggang 11:59 ng Hulyo 31.

Pero ang mga pasahero na naglalakbay na at nanggaling o dumaan sa dalawang nabanggit na bansa at darating bago mag-12:01AM ng Hulyo 25, 2021 ay papayagang makapasok pero kinakailangang sumailalim sa 14 na araw na facility quarantine kahit pa magnegatibo ang resulta ng kanilang Reverse Transcription - Polymerase Chain Reaction (RT-PCR).

Exempted naman sa travel restrictions ang mga repatration at special commercial flights ng mga Filipino pero dapat dumaan sila sa ipinatupad na testing at quarantine protocols.

Ginawa ng gobyerno ang nasabing hakbang upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo ng mas nakakahawa at nakamamatay na Delta variant.

TRAVEL BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with