_ngayon
^

Bansa

15K parak ikakalat sa SONA

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
15K parak ikakalat sa SONA
Ayon kay Eleazar, plantsado na ng National Capital Region Police Office sa pamumuno ni Maj. Gen. Vicente Danao ang security preparations at deployment plans sa SONA sa kabila ng banta ng CoViD-19.
KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Philippine National Police chief, Gen. Guillermo Eleazar na 100% na ang kanilang paghahanda para sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Lunes.

Ayon kay Eleazar, plantsado na ng National Capital Region Police Office sa pamumuno ni Maj. Gen. Vicente Danao ang security preparations at deployment plans sa SONA sa kabila ng banta ng CoViD-19.

Kasabay nito, sinabi ni Eleazar na masusubukan din sa SONA ang paggamit ng bodyworn camera para mamonitor ang sitwasyon. Aabot sa 15,000 ang ipakakalat na pulis sa SONA.

Anya, sapat na ang mga pulis na itinalaga upang masiguro na wa­lang aberya o anumang gulo sa paligid ng Batasan. Kailangan lamang na alerto ang mga pulis sa anumang mga unto­ward incident.

Umaasa si Eleazar na magiging maayos at payapa ang huling SONA ng pangulong Duterte. Sa ngayon aniya, wala namang namomonitor pa ang PNP.

Nanawagan din si Eleazar sa publiko at mga cause oriented groups na nagbabalak na magtipon na isipin ang posibilidad ng local transmission ng Delta variant ng CoViD 19.

“Mas ligtas na makinig at manood na lang tayo ng SONA sa ating mga tahanan,” dagdag pa ni Eleazar.

PNP SONA 2021
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with