_ngayon
^

Bansa

Pacquiao-Moreno tandem inilutang

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao-Moreno tandem inilutang
Manny Pacquiao at Isko Moreno
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Dream match ang posibleng tandem nina Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno bilang presidente at bise presidente sa 2022 national elections.

Ayon kay Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, ‘game changer’ rin sakaling magdesisyon ang dalawa na mag-tandem sa pagsabak sa national polls.

Binigyang diin ni Atienza na may potensyal na magwagi rin ang dalawa kung magkakasundo ang dalawang ‘perfect match’.

Nabatid pa sa solon na marami rin ang kumukumbinse sa da­lawa na mag-tandem sa halalan.

Ayon kay Atienza, sa pagbalik ni Pacquiao sa bansa matapos ang laban nito kay Errol Spence ay maaaring pag-u­sapan na ang posibleng tandem ng dalawa.

Binigyang diin ni Atienza, ‘geographically perfect’ rin ang tandem ng dalawang sikat na personalidad dahilan si Pacquiao ay tubong Mindanao na ‘vote rich’ region habang si Moreno naman ay mula sa Luzon na malaki rin ang bilang ng mga botante.

Inihayag pa ni Atien­za na naniniwala siyang makakaya ni Pacquiao na tulad ng tagumpay sa boxing ay maiba­ngon ni Pacquiao ang ekonomiya ng bansa.

ISKO MORENO MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with