_ngayon
^

Bansa

18 nagpositibo sa Delta variant hindi bakunado - DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
18 nagpositibo sa Delta variant hindi bakunado - DOH
DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire
PIA image

MANILA, Philippines — Pinaigting pa ng Department of Health (DOH) ang pangugumbinse sa publiko na magpabakuna na makaraang matuklasan na 18 sa 47 mga nagpositibo ng mas mapanganib na Delta variant ay hindi mga bakunado laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroon rin namang dalawa sa mga Delta variant cases na fully vaccinated na, apat ang nakatanggap na ng isang dose ng CO­VID-19 vaccine, habang for verification pa ang vaccination status ng natitira pang 23 kaso.

Nabatid na sa 47 kaso, 36 na ang naka­rekober, tatlo ang nasawi habang walo ang nananatiling aktibong kaso ngunit asympto­matic o walang anumang nararamdamang sintomas ng sakit.

Sinabi rin ni Vergeire na ang 24 na Delta cases ay pawang returning overseas Filipinos (ROFs), 22 ang local infections, habang bineberipika pa kung ang isang kaso ay local o ROF.

Pito naman umano sa mga pasyente ang may address sa Metro Manila, kabilang dito ang apat na pasyente na mula sa Maynila, dalawa mula sa Pasig at isa naman sa Taguig.

Ang Central Luzon at Northern Mindanao naman ay nakapagtala ng tig-anim na kaso, habang tig-dalawang kaso ang naitala ng Calabarzon at Western Visayas.

Ang mga pasyente ng Delta variant ay may age range na 14 hanggang 79-taong gulang at 32 sa kanila o 76% ay pawang mga lalaki.

COVID-19 VARIANT DEPARTMENT OF HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with