_ngayon
^

Bansa

Mataas na kaso ng COVID-19 sa Davao City, ikinabahala ng OCTA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Mas mahigpit na restrictions giit

MANILA, Philippines — Pitong Linggo nang nangunguna ang Davao City sa may pinakamataas na COVID cases sa bansa simula Hun­yo, ayon sa datos ng Department of Health (DOH).

Sinang-ayunan ito ng OCTA Reseach Group, sa  kanilang monitoring list na may petsang July 13 hanggang July 19 ay nasa 219 ang naitatalang kaso sa Davao, mababa ito sa 226 kaso noong  naunang Linggo gayunpaman una pa din ito sa talaan na may  pinakamaraming kaso kumpara sa ilan pang high-risk cities.

Ayon kay OCTA Research Fellow Ranjit Rye, ang 7 Linggo na dire-diretsong mataas ang kaso ng COVID cases ng Davao ay indikasyon na hindi gumagana ang stratehiyang ipinatutupad kaya dapat itong baguhin at maglatag ng bagong polisiya.

Giit ni Rye, ang Da­vao ang epicenter sa Min­danao kaya naman unang dapat na tutukan ang mga kaso sa siyudad lalo at hindi biro na walang pagbaba sa daily cases na naitatala.

Idinagdag pa nito na hindi nila inirerekomenda ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) bagkus ay General Community Quarantine (GCQ) na mas “upscale” ang restrictions at kanila na umanong ipinauubaya ang desisyon na ito kay Davao City Mayor Sara Duterte upang mabilis na mapababa ang kaso.

Noong June 5 hanggang June 20 ay isinailalim sa MECQ ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the management of emerging infectious diseases ang Davao City subalit kung titignan ang datos ng DOH ay tumaas pa ang infections sa halip na bumaba kumpara sa Iloilo City at Cebu City na nagkaroon ng biglaang pagbaba sa kanilang kaso nang mailagay sa MECQ.

“Ito yung sinasabi natin na baka yung stra­tegy na ginawa ay hindi nagwowork, baka ang gawin ay although GCQ ay with heightened restrictions para once and for all ma-manage na yung situation,” dagdag pa ni Rye.

Sa ngayon ay wala pang komento ang Da­vao city government sa pinakahuling report ng DOH at OCTA Reseach.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with