^

Bansa

12 pang Delta variant naitala sa Pinas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
12 pang Delta variant naitala sa Pinas
Naghihintay ang mga residente sa pila upang makatanggap ng bakuna ng Gamaleya National Center of Epidemiology at Sputnik V COVID-19 ng Microbiology sa Mandaluyong City, suburban Manila noong Hulyo 15, 2021.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 47 ang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa makaraang 12 bagong kaso ang nadiskubre base sa resulta ng ‘whole genome sequencing’ ng UP-Philippine Genome Center at UP-National Institute of Health.

Bukod dito, iniulat rin ng Department of Health (DOH) na may nadagdag na 187 bagong kaso ng Alpha variant, 142 Beta at 12 P.3 variant.

Lahat ng bagong kaso ng Delta variant ay mga lokal na kaso. Anim ang natukoy sa Region 3, da-lawa sa CALABARZON, isang kaso sa Region 5, at tatlong kaso sa National Capital Region (NCR).

“All cases have been tagged as recovered but their outcomes are being validated by our regional and local health offices. This brings the total Delta variant cases to 47,” ayon sa DOH.

Dahil sa dagdag na mga kaso, sinabi ng DOH na krusyal ang pagres-ponde ng nasyunal at lokal na pamahalaan sa mga lugar na may mga kaso na maaaring may nagaganap na lokal na transmisyon.

Sa bagong Alpha va-r­iants, 134 ang lokal na kaso, 54 sa kanila ay nasa­wi habang 133 ang naka­rekober. Umakyat na sa 1,668 ang Alpha variant sa bansa.

Sa 142 bagong Beta variants, 134 ang lokal na kaso, 21 ang nasawi at 121 ang nakarekober. Umakyat ang kabuuang kaso nito sa 1,827.

Sa 12 bagong P.3 va-riant, 11 ang lokal na kaso at isa ang inaalam pa. Lahat ay nakarekober na.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with