Yumao sa COVID-19 sa Pilipinas lumundag na sa 26,891 katao
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 5,828 bagong infection ng coronavirus disease, Thursday, kung kaya't nasa 1,530,266 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 1,530,266
- nagpapagaling pa: 50,562, o 3.3% ng total infections
- bagong recover: 3,257, dahilan para maging 1,452,813 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 17, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 26,891
12 bagong Delta variant cases
-
Nadagdagan pa ng 12 karagdagang kaso ng mas nakahahawang Delta variant cases ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling taya ng DOH ngayong araw. Sumatutal, 47 na ito lahat.
-
Itinaas naman na ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 4 sa bansang Myanmar dahil sa pagsipa ng Delta variant cases doon. Ibig sabihin, pinalilikas na ang mga Pilipinong namamalagi o kasalukuyang nagtratrabaho roon. 59 na Pinoy ang unang batch na unang uuwi, ayon kay Philippine Ambassador to Myanmar Eduardo Kapunan Jr. sa ika-3 ng Agosto.
-
Humataw naman na sa 15.9 milyon doses ng bakuna laban sa COVID-19 ang naituturok na sa Pilipinas sa ngayon, ulat ni presidential spokesperson Harry Roque kanina.
-
Nadagdagan naman ng 1.5 milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccines mula Tsina ang lumapag sa Pilipinas ngayong umaga, bagay na dumating pasado 7:50 a.m., ayon sa state-run PTV4.
-
Isang coach naman para sa Tokyo Olympics mula sa Team Pilipinas ang pauuwiin ng bansa matapos magpositibo sa COVID-19, pagkukumpirma ni Philippine Olympic Committee president Rep. Abraham "Bambol" Tolentino.
-
Umabot na sa 191.14 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.1 milyong katao.
— James Relativo
- Latest