_ngayon
^

Bansa

Bong Go: Nasa likod ako ni Mayor Sara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Susuportahan umano ni Senador Bong Go si Davao City Mayor Sara Duterte sa sandaling magdesisyon na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 national elections.

Sinabi ni Go, na ibibigay niya kay Mayor Sara ang lahat ng suporta, tiwala at pananalig tulad ng ibinigay niya kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil malaki rin ang tiwala niya sa anak ng presidente.

Ang sagot ng Senador ay bilang tugon sa mga espekulasyon na posibleng siya ang maging standard bearer dahil na rin sa pahayag ng pangulo na handa siyang tumakbong bise Presidente sa 2022 elections sa ilalim ng bandila ng PDP-Laban.

Nakiusap naman si Go sa kanyang mga kapartido at sa sambayang Filipino na ikonsidera na lamang siya bilang panghuli sa mga pagpipilian.

Umapela naman siya, partikular sa media, na hintayin na lamang ang buwan ng Oktubre na siyang panahon ng paghahain ng certificate of candidacy ng mga kakandidato sa 2022 national elections.

Sinabi ito ng senador sa inagurasyon ng One Hospital Command Center sa PICC sa Pasay City dahil sa ngayon ay nakatutok lamang muna siya sa COVID-19 response ng bansa kaysa sa usapin tungkol sa nalalapit na halalan.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with