^

Bansa

Vaccine Express ni Robredo sa VisMin aarangkada na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Vaccine Express ni Robredo sa VisMin aarangkada na
Maliban sa CDO ay handa din ang OVP na dalhin ang vaccine express sa ilan pang lugar sa Visayas at Mindanao maging sa Davao City.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na pinaplantsa na ang paghahatid sa kanilang lalawigan ng Covid Vaccine Express na programa ni Vice President Leni Robredo kung saan nasa 20,000 drivers ng trisikad, habal-habal, motorcycle, jeepney, taxi at maging market vendor ang mabibigyan ng bakuna.

Ayon kay Rodriguez, 4 na lugar sa CDO ang inisyal na mabibigyan ng bakuna.

Maliban sa CDO ay handa din ang OVP na dalhin ang vaccine express sa ilan pang lugar sa Visayas at Mindanao maging sa Davao City.

Una nang sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsa­lita ni Robredo na handa nilang tulungan din ang Davao sa paglaban nito sa COVID-19 maliban na lamang kung haharangin ni Mayor Sara Duterte at aakusahan ng pamumulitika.

Matatandaan na nagbigay ng suhestiyon si Robredo sa Davao City na gayahin ang sistemang ginawa ng Cebu City para pababain ang COVID cases matapos magtala ang lalawigan ng pinakamataas na kaso sa buong Southern Mindanao noong unang Linggo ng Hunyo.

Hindi maluwag na tinanggap ni Mayor Duterte ang payo at sinabihan si Robredo na iwasan ang pagbibigay ng advice kung wala naman itong alam sa kung ano ang nangyayari sa ground.

Nilinaw ng kampo ni Robredo na walang political attack sa presidential daughter sa ginawang pagpapayo at walang intensyon na mamulitika.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with