_ngayon
^

Bansa

Duterte kay Pacquiao: Korap sa gobyerno pangalanan!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte kay Pacquiao: Korap sa gobyerno pangalanan!
Sen. Manny Pacquiao
STAR/File

MANILA, Philippines — Binuweltahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang sariling kapartido na si Sen. Manny Pacquiao dahil sa sinabi nitong tatlong beses na mas korap ang kasalukuyang admi­nistrasyon.

Hinamon ni Duterte si Pacquiao na ituro ang mga tanggapan at mga taong gobyerno na sinasabi nitong korap at siya na ang bahala sa mga ito sa loob lamang ng isang linggo.

“Si Pacquiao salita nang salita na three times daw tayong mas corrupt so I am challenging him, ituro mo ang opisina na corrupt at ako na ang bahala within one week may gawin ako,” sabi ng Pangulo.

Sinabihan din ni Du­terte si Pacquiao na dapat inilista ang lahat ng sinasabi nitong sangkot sa korapsiyon at ibinigay sa kanya ang listahan.

“Di ba ang sabi ko noon if you come to know that there is corruption, let me know. Give me the office. Ganoon ang dapat ginawa mo...Wala ka namang sinabi all these years. Puro ka praises nang praises sa’kin tapos ngayon sabihin mo corrupt,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Duterte na sa pagkakaalam niya ay wala ng tanggapang corrupt at nalinis na niya ang mga ito kabilang ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Binanggit din ng Pa­ngulo na problema ng lahat ng administrasyon ang korapsiyon at hindi ito mawawala kahit pa manalong presidente si Pacquiao.

Kung hindi umano makakapaglabas ng listahan si Pacquiao ay namumulitika lang ito.

“If you fail to do that, I will campaign against you because you’re not doing your duty. Do it. If not, I will just tell the people, ‘Do not vote for Pacquiao because he is a liar,” sabi pa ni Duterte.

Related video:

DPWH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with