_ngayon
^
US President Biden nakiramay sa pagpanaw ni Noynoy Aquino
US President Joe Biden speaks after visiting a mobile vaccination unit at the Green Road Community Center in Raleigh, North Carolina on June 24, 2021.
AFP/Mandel Ngan

US President Biden nakiramay sa pagpanaw ni Noynoy Aquino

James Relativo (Philstar.com) - June 25, 2021 - 11:03am

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay sa pagkawala ng ika-15 presidente ng Pilipinas, sa pagkakataong ito, mula naman sa isa sa mga pinakamatagal ng bansa na Estados Unidos.

Huwebes nang bawian ng buhay si Benigno "Noynoy" Aquino III sa Capitol Medical Center sa Lungsod ng Quezon sanhi ng renal disease secondary to diabetes. Siya'y 61-anyos.

"I extend my deepest condolences to the people of the Philippines on the death of former President Benigno 'Noynoy' Aquino III. He was a valued friend and partner to the United States, and he will long be remembered for serving his country with integrity and selfless dedication," ani US President Joe Biden, Biyernes (Huwebes sa Amerika).

"President Aquino’s steadfast commitment to advancing peace, upholding the rule of law, and driving economic growth for all Filipinos, while taking bold steps to promote the rules-based international order, leaves a remarkable legacy at home and abroad that will endure for years to come."

Aniya, pinapahalagahan niya ang panahon ng kooperasyon sa pagitan ng Amerika at administrasyong Aquino. Ipinaabot din niya ang kanyang taos-pusong pakikisimpatya sa kanyang pamilya't iba pang nagluluksa.

Matagal na ang relasyunan ng Amerika at Pilipinas na nagpapatuloy magpahanggang sa ngayon. 

Bagama't paminsan-minsang binibira ng kasalukuyang Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos habang dumidikit sa Tsina, umiiral pa rin ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), Visiting Forces Agreement (VFA), Mutual Defense Treaty (MDT) at iba pang mga kasunduan.

Abril 2021 lang nang magtapos ang huling Balikatan exercises sa pagitan ng Amerika at Pilipinas, bagay na 36 taon nang gumugulong.

Una nang nakansela noong 2020 ang 11-araw na Balikatan dahil sa COVID-19 pandemic, ngunit ikinasa uli noong ika-12 ng Abril. Mas malaki pa sana ang lalahok dito, ngunit binawasan patungong 225 military personnel mula Amerika at 415 mula Armed Forces of the Philippines.

Kahapon lang din nang magpahatid ng kanilang pakikidalamhati ang delegasyon ng European Union sa Pilipinas kaugnay ng kanyang pagkawala.

JOE BIDEN NOYNOY AQUINO UNITED STATES OF AMERICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with