_ngayon
^
Ex-President Noynoy Aquino, pumanaw na
Dating Pangulong Noynoy Aquino noong December 2015 file photo.
Philstar.com/ File

Ex-President Noynoy Aquino, pumanaw na

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumanaw na si da-ting Pangulong Benigno “Noynoy” S. Aquino III kahapon sa edad na 61.

Sa pahayag ng kanyang kapatid na si Pinky Aquino-Abellada, kinumpirma nito ang pagyao ng kapatid.

“It is with profound grief that on behalf of our family, I am confirming that our brother Benigno ‘Noynoy’ S. Aquino III died peacefully in his sleep,” anang statement ng pa-milya Aquino.

Sa kanyang death certificate, nakasaad na 6:30 ng umaga namatay si Aquino dahil sa ‘renal disease secondary to   diabetes’.

Unang napaulat kahapon na isinugod si Aquino sa Capitol Medical Center sa Quezon City.

Nabatid din na bago pa dalhin sa naturang pagamutan, binawian na ng buhay si PNoy habang natutulog.

Sa Heritage Park sa Taguig City agad inilagak ang labi ni Noynoy upang hindi umano malantad sa panganib sa ospital ang mga miyembro ng media na dumagsa kahapon kasunod ng napaulat na pagpanaw nito.

Kahapon ay crinemate na rin si Noynoy at sa Sabado inaasahang ililibing.

“No words can express how broken our hearts are and how long it will take us to accept the reality that he is gone,” ani Pinky.

Kinumpirma rin ni Pinky na ang kaniyang kapatid ay labas-masok na sa ospital bago pa man ang COVID-19 pandemic.

Bukod kay Pinky, naroon din sa isinagawang press conference ang tatlo pang babaeng kapatid ni PNoy na sina Kris Aquino, Ballsy Aquino-Cruz at Victoria Elisa Aquino-Dee.

Si Aquino ang ika-15 pangulo ng Pilipinas na nagsilbi mula 2010 hanggang 2016. Nagtapos siya ng bachelor’s degree sa Economics sa Ateneo de Manila University.

Naging kinatawan siya ng ikalawang distrito ng Tarlac mula 1998 hanggang 2007 at tumakbo sa pagka-senador noong Mayo 2007 elections at nanalo sa ika-6 na puwesto.

Nang manalo sa pagka-Pangulo, iniutos niya ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng “wang-wang” sa mga sasakyan.

Sa kanyang inaugural speech sa Quirino Grandstand, tumatak sa sambayanan ang sinabi niyang, ‘Kayo ang boss ko!’

Ilan din sa mga tumatak sa isip ng mga Pilipino na pahayag ni PNoy ang “walang counterflow, walang padrino, walang tongpats”.

Ang tagline ng kanyang administrasyon ay ‘Daang Matuwid.’

Kabilang sa malala-king tagumpay ng admi-nistrasyon ang average annual economic growth na pumalo sa mahighit 6 porsiyento na pinakamataas simula noong dekada ’70.

Nanindigan din ang kaniyang administrasyon laban sa pag-angkin ng China sa teritoryo ng bansa na kalauna’y nauwi sa pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague sa Netherlands.

Bukod pa rito ay nagkaroon ng peace agreement ang pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa pagtatag ng Bangsamoro government.

Kabilang naman sa mga naging dagok na kinaharap niya noon ay ang hostage-taking incident sa Luneta, ang pagtugon sa krisis matapos ang bagyong Yolanda, at ang Mamasapanomassacre.

Related video:

KRIS AQUINO PNOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with