^

Bansa

Mensahe ng mga kapatid: ‘Mission accomplished, Noy’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mensahe ng mga kapatid: �Mission accomplished, Noy�
Ito ang mensahe nina Ballsy Aquino-Cruz, Victoria Elisa Aquino-Dee, Pinky Aquino Abellada and Kris Aquino nang kumpirmahin ang pagkamatay ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” S. Aquino III kahapon.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — “Mission accomplished Noy, be happy now with Dad and Mom. We love you and we are so blessed to have had the privilege to have had you as our brother.”

Ito ang mensahe ng kanyang mga kapatid nang kumpirmahin ang pagkamatay ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” S. Aquino III kahapon.

“He died peacefully in his sleep,” pahayag ni Pinky Aquino-Abellada. Namatay si PNoy dakong alas-6:30 ng umaga dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Pinasalamatan naman ni Pinky ang 14.3 milyong Filipino na bumoto kay PNoy noong 2007 bilang senador at 15.2 milyong bumoto sa kanya bilang pangulo noong 2010.

Inalala rin ni Pinky na naging masakit para sa kanila na tahimik lang na tinanggap ni Aquino ang mga batikos pagkatapos ng kanyang termino.

“Masakit para sa amin na tahimik nyang tinanggap ang mga batikos. Natatak sa aming magkakapatid na nung sinabihan namin syang magsalita at labanan ang mga maling haka haka, simple ang si-nagot nya - kaya pa nyang matulog sa gabi,” ani Pinky.

Sinabi rin ni Pinky na matapang na hinarap ni Aquino lahat ng imbestigasyon at akusasyon, sa Sandiganbayan noong Nobyembre 2017 tungkol sa Mamasapano encounter, sa Senado no-ong Disyem­bre 2017, at sa Kongreso noong Pebrero 2018 tungkol sa Dengvaxia vaccine.

Pinasalamatan din ni Pinky ang buong medical team na nag-alaga kay Aquino dahil pinangala­gaan nila ang privacy nito.

Para sa Aquino sisters, nagawa ni PNoy kahit paano ang inaasahan ng publiko.

Nagpasalamat naman si Kris Aquino kay Pangu­long Duterte sa pagpapaabot nito ng pakikiramay. — Doris Franche, Angie dela Cruz, Ludy Bermudo

 

Related video:

vuukle comment

PNOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with