_ngayon
^

Bansa

Delivery ng 50K doses ng Sputnik V madi-delay

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Delivery ng 50K doses ng Sputnik V madi-delay
Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., na­ka­tanggap ang NTF Vaccine Cluster ng isang sulat mula sa Russian Direct Investment Fund (RDIF) noong Hunyo 20 na nagsasabing ipagpapaliban sa ibang araw ang delivery ng Sputnik V Component II dahil sa upgrading ng bakuna.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Madi-delay ang pag­da­ting sa bansa ng 50,000 doses ng SputnikV na gawa sa Russia, ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Ayon kay Galvez, na­ka­tanggap ang NTF Vaccine Cluster ng isang sulat mula sa Russian Direct Investment Fund (RDIF) noong Hunyo 20 na nagsasabing ipagpapaliban sa ibang araw ang delivery ng Sputnik V Component II dahil sa upgrading ng bakuna.

Sinabi ni Galvez na ang parating na 50,000 doses ay para sa mga nakatanggap ng Compo-nent 1 nitong Hunyo.

“We have already informed all local govern­ment units who have administered the first dose of Sputnik V to their constituents that the schedule for the second shot will likewise be pushed back and will be rescheduled,” ani Galvez.

Samantala, tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi maapektuhan ang bisa ng bakuna ka­hit pa ma-delay ang pag­bibi­gay ng 2nd dose ng Sput­nik V.

Anya, mas mataas pa nga ang efficacy kung matagal ang period ng unang dose sa ikalawang dose.

SPUTNIK V
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with