_ngayon
^

Ilang ‘fully vaccinated’ Pinoy, nahawa pa rin ng COVID-19

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inamin ng Department of Health (DOH) na may mga ‘fully vaccinated’ na Pilipino ang nahawa pa rin ng CO­VID-19 na tinatawag nila ngayong ‘breakthrough infections’.

“We have these so-called ‘breakthrough infections.  Ito yung nagkakaroon ka ng COVID-19 kahit na ikaw ay nakapag-second dose na,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nilinaw naman niya na hindi ito marami bagama’t hindi pa siya makapagbigay ng numero kung ilan na ang may kasong ganito.

Kailangan nilang makumpirma ngayon kung ilang araw matapos ang unang dose o second dose bago sila nagkaroon ng COVID-19 para makagawa ng kaukulang mga hakbang.

Pero nilinaw pa rin ni Vergeire na mabisa pa rin ang mga bakuna upang hindi magkaroon ng malalang sakit na dulot ng virus. Maging ang mga bagong variants kabilang ang Delta variant na mula sa India ay nalalabanang mabuti umano ng mga bakuna.

Sa katunayan, ang Pfizer COVID-19 vaccine ay 79% mabisa kontra Delta variant at 92% mabisa kontra Alpha variant na mula naman sa United Kingdom. Ang AstraZeneca naman ay mabisa ng 92% kontra Delta variant.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with