_ngayon
^
3,666 tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas nagpataas sa local cases sa 1,367,894
A health worker administers a Chinese Sinovac vaccine against Covid-19 coronavirus disease to a resident inside a movie theatre turned into a vaccination centre in Taguig City suburban Manila on June 14, 2021.
AFP/Ted Aljibe

3,666 tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas nagpataas sa local cases sa 1,367,894

(Philstar.com) - June 22, 2021 - 6:01pm

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,666 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Martes, kung kaya nasa 1,367,894 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,367,894
  • Nagpapagaling pa: 52,696 o 3.9% ng total infections
  • Kagagaling lang: 6,810, dahilan para maging 1,291,389 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 60, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 23,809

Anong bago ngayong araw?

  • Sinegundahan ni presidential spokesperson Harry Roque ang mga batayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kagustuhang ipakulong ang mga ayaw magpabakuna laban sa COVID-19. Sa kabila nito, dapat daw ay magpasa ng mga batas o ordinansa para maipatupad ito.

  • Kaugnay nito, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na wala pang batayan para mag-criminalize sa ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.

  • Tiniyak naman ng Food and Drug Administration na magbibigay ng prtoktesyon laban sa "Delta" variant ng COVID-19 ang mga bakuna, ito'y kahit na merong ibang mas mababa ang efficacy rates.

  • Kasunod ng kautusan ni Duterte pagdating sa mandatory face shields indoors o outdoors, sinabi ni Philippine National Police spokesperson Gen. Guillermo Eleazar na dapat magpatupad ng maximum tolerance at iwasan ang pagpapataw ng mga parusa sa mga hindi nakasusunod.

  • Samantala, ni-reject naman ni Digong ang proposal ng Department of Education na magpatupad na ng pilot face-to-face classes lalo na't pinangangambahan ngayon ang lubhang nakahahawang Delta COVID-19 variant. Aniya, dapat munang mabakunahan ang kalakhan ng populasyon.

  • Nahuli naman na ng PNP ang isang COVID-19 positive inmate na nakatakas sa South Cotabato provincial jail nitong Linggo. Kinilala ang nabanggit bilang si Reggie Grecia.

  • Umabot na sa 178.2 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang mahigit 3.9 milyong katao.

— James Relativo

COVID-19 TALLY PHILIPPINES DEPARTMENT OF HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with