^

Bansa

17 kaso ng Delta variant, natukoy sa Pinas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng De­partment of Health (DOH) na may 17 kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang natukoy na sa Pilipinas makaraang madagdag ang apat na bagong tuklas na mga kaso.

Ayon sa DOH, mula sa dating 13 kaso ay umakyat ito sa 17 dahil sa apat na bagong kaso ang madiskubre ng Philippine Genome Center at University of the Philippines’ National Institute of Health.

Tatlo sa mga bagong kaso ay mga tripulante ng MV Eastern Hope, na nakadaong sa South Korea.  Makaraang magpositibo sa PCR test sa South Korean, pinauwi ng Pilipinas ang tatlong seaman nitong Hunyo 3.

Dalawa sa kanila ay nakakumpleto na ng 10-day isolation at nakalabas na habang ang isa ay na-admit sa pagamutan dahil sa kaniyang kundisyon.

Ang ikaapat na kaso ay isa ring ‘returning overseas Filipino (ROF)’ na mula sa Saudi Arabia noong Mayo 24. Nakakumpleto na rin siya ng isolation period at idineklara nang ‘reco­vered’ nitong Hunyo 10.

Samantala, inihayag rin ng DOH na nakadiskubre rin ng panibagong 14 na kaso ng Alpha variant (UK); 21 Beta variant (South Africa); at isang Theta variant (P.3, Philippines).

Tiniyak ng DOH na patuloy ang mahigpit nilang pagbabantay sa pagsulpot ng mga variant ng COVID-19 sa bansa para agad na makaaksyon at hindi na kumalat ang mga ito lalo na sa patuloy na pagtaas ng mga kaso sa Visayas at Mindanao.

Related video:

vuukle comment

DELTA VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with