_ngayon
^
5,249 bagong hawa ng COVID-19 sa bansa pinalobo lokal na kaso sa 1,364,239
Josefa Tolentino, 77, shows her vaccination card as she makes her way to her eye check-up at SM San Mateo on June 16, 2021. Fully-vaccinated senior citizens are now allowed by the Inter-Agency Task Force to enter private establishments in areas under general community quarantine and modified general community quarantine.
The STAR/Michael Varcas

5,249 bagong hawa ng COVID-19 sa bansa pinalobo lokal na kaso sa 1,364,239

(Philstar.com) - June 21, 2021 - 5:40pm

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 5,249 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Lunes, kung kaya nasa 1,364,239 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,364,239
  • Nagpapagaling pa: 55,847, o 4.1% ng total infections
  • Kagagaling lang: 7,053, dahilan para maging 1,284,643 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 128, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 23,749

Anong bago ngayong araw?

  • Pinag-aaralan pa ngayon ng Palasyo ang mungkahing lumikha ng magkahiwalay na "safe spaces" sa trabaho sa pagitan ng mga bakunado at hindi pa bakunado laban sa COVID-19. Ito ang kinumpirma ni presidential spokesperson Harry Roque matapos ang itulak ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion habang nagbubukas ang ekonomiya.

  • Nadagdagan pa ng apat na kaso ng "Delta" COVID-19 variant sa Pilipinas, ayon sa DOH, UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health. Ang nasabing variant ay 60% mas nakahahawa sa mas nakahahawa na ngang "Alpha" variant.

  • Inilinaw naman ni Roque na "hindi" na talaga kailangan ng pagsusuot ng face shields sa tuwing nasa labas naman ng mga establisyamentong indoor. Aniya, hindi na raw kasi inapela ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol dito.

  • Bagama't pinag-uusapan na ng pamahalaan, sinabi naman ni Vergeire na nananatiling "long-term goal" pa rin ang tuluyang pagtatanggal ng quarantine classifications sa Pilipinas: "That’s not going to happen now or in the next month. This we can say that we are talking about it, that’s correct, because it is important that we have a goal on when we will shift to that direction that we will slowly ease our restrictions," aniya.

  • Ngayong nasa 8.4 milyon na sumatutal ang COVID-19 vaccine doses na naituturok sa Pilipinas, lumalabas na 2,153,942 katao na sa bansa ang nakakukumpleto ng kanilang dalawang doses.

  • Samantala, lahat naman na ng preso sa Bocaue Municipal Jail sa Bulacan at 19 nilang kawani ang nababakunahan na laban sa COVID-19, ayon sa ulat ng dzBB kanina.

  • Umabot na sa 177.1 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 3.84 milyong katao.

— James Relativo

COVID-19 TALLY PHILIPPINES DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with