_ngayon
^
40M Pfizer vaccine deal sinelyuhan ng Pinas
Inaasahang mag-uum­pisang dumating ang bulto ng mga bakuna pagkatapos ng walong linggo simula sa Agosto.
AFP/Justin Tallis

40M Pfizer vaccine deal sinelyuhan ng Pinas

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ng Pilipinas at ng US drugmaker Pfizer-BioNTech ang supply agreement para sa pagbili ng 40 million doses ng bakuna.

Inaasahang mag-uum­pisang dumating ang bulto ng mga bakuna pagkatapos ng walong linggo simula sa Agosto.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., kasama niyang lumagda sa kasunduan kahapon si Health Secretary Francisco Duque III.

Ito aniya ang pinakamalaking vaccine procurement deal na isinagawa ng pamahalaan ngayong 2021.

Paliwanag pa ni Gal­vez, bumababa na ang demand ng bakuna sa mga mayayaman at malalaking bansa dahil nakakuha na sila ng sapat na bakuna para makapagbakuna sa kanilang populasyon.

“This has allowed the manufacturer to commit to us that deliveries, though still to be made in tranches, will be in bulk,” ayon pa kay Galvez.

Pinondohan ang kasunduan sa pamamagitan ng multilateral arrangement sa Asian Development Bank (ADB).

Sa ganitong paraan umano ay masisiguro sa mga Filipino na ang transaksyon sa pagbili ng bakuna ay transparent dahil ang pondo ay hindi dadaan kahit kaninong kamay ng opisyal o ahensiya ng gobyerno.

Nanawagan naman si Galvez sa mga lokal na pamahalaan na ihanda ang cold storage facilities para sa Pfizer-BioNTech vaccines na may temperature requirement na -80 to -60 degrees centigrade.

Samantala, nasa 44 million doses pa ng bakuna ang inaasahang darating sa bansa mula sa COVAX Facility habang nagpapatuloy ang negosasyon para sa 16 million doses mula sa Novavax at Johnson & Johnson.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with