_ngayon
^
Mga positibo sa saliva test ng Red Cross, isasama sa DOH tally
Sa datos ng PRC, umabot na umano sa 365,000 ang naisagawa nilang saliva testing mula nang maaprubahan ito ng DOH noong Enero.
The STAR/Walter Bollozos, file

Mga positibo sa saliva test ng Red Cross, isasama sa DOH tally

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isasama na rin ng Department of Health (DOH) sa kanilang national tally ang mga nagpositibo sa COVID-19 saliva test ng Philippine Red Cross (PRC).

Sinabi ni PRC consultant Dr. Michael Tee na ito ay makaraang mag-abiso na sa kanila ang DOH ukol dito para mas epektibong makita ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng virus sa bansa.

Sa datos ng PRC, umabot na umano sa 365,000 ang naisagawa nilang saliva testing mula nang maaprubahan ito ng DOH noong Enero.

Inirekomenda rin ni Tee ang paggamit ng saliva collection sa mga probinsya lalo na sa mga lugar na kakaunti ang molecular laboratory.

Dahil dito, mapapataas umano ang testing sa mga lalawigan na napag-iiwanan sa testing.

Nanawagan siya sa mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan na makipag-ugnayan lamang sa PRC kung nais nila na magsagawa ng saliva testing sa kanilang nasasakupan. Mer Layson

 

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with