_ngayon
^
80K OFWs nakatakdang umuwi
Nasa P5.2 bilyong pondo naman ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) bilang Special Allotment Release Order na gagamitin sa ‘accommodation at repatriation’ ng mga OFWs na tulong-pinansyal pag-uwi nila sa Pilipinas.
STAR/ Edd Gumban, file

80K OFWs nakatakdang umuwi

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahan ng Overseas Workers Welfare Admi­nistration (OWWA) na uuwi sa bansa ang nasa 70,000 hanggang 80,000 OFWs na patuloy na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni OWWA Administrator Hans Cacdac na marami pa ring nagsasara na kumpanya at nawawalan ng hanapbuhay sa ibayong-dagat dulot ng pandemya lalo na ng pagkakatuklas ng mga bagong variants.

Bukod dito, tinatayang 5,000 pang OFWs ang naapektuhan ng travel ban na ipinatupad sa United Arab Emirates (UAE).

Matatandaan na pinalawig ng pamahalaan ang travel ban sa UAE at anim pang ibang bansa hanggang Hunyo 30 dahil sa banta ng Delta variant, na unang natuklasan sa India.

Nasa P5.2 bilyong pondo naman ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) bilang Special Allotment Release Order na gagamitin sa ‘accommodation at repatriation’ ng mga OFWs na tulong-pinansyal pag-uwi nila sa Pilipinas.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with