_ngayon
^

Swab testing ng inbound passengers gawing libre

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na sagutin ng pamahalaan ang gastos sa swab test ng inbound passengers, lalo na ang mga nagbabalik na Pilipino, para hindi na makadagdag pa sa kanilang gastusin.

“Mas mainam na sagutin na ng pamahalaan ang swab test ng lahat ng inbound passengers para mabawasan ang kanilang pinansiyal na pasanin,” wika ni Pangilinan.

Iginiit ni Pangilinan na may sapat ang pondo ng pamahalaan para sa libreng swab testing ng inbound passengers ngunit hinahayaan lang nito na maglabas ng sariling pera ang mga pasahero para makapagpasuri sa isang pribadong kompanya.

Aniya, hindi na dapat hayaan ng pamahalaan na maglabas pa ng sari­ling pera ang mga nagbabalik na pasahero para sa testing dahil sa pasa­ning dulot ng pandemya.

Ayon kay Pangilinan, dapat tularan ng pambansang gobyerno ang lalawigan ng Cebu, na nagbibigay ng libreng swab tests sa returning overseas Filipinos (ROFs).

Bago rito, nagpahayag si Pangilinan ng suporta sa double-swabbing po­licy ng lalawigan para sa ROFs, sa pagsasabing dapat ipatupad ang polisiyang ito sa buong bansa.

SWAB TEST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with