^

Bansa

Tambalang Sara-Gibo lumalakas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Tambalang Sara-Gibo lumalakas
Ayon kay Andaya, inaasahan na ang pagsuporta sa Sara-Gibo tandem ni Mayor Belmonte dahil kaibigan nito ang Presidential daughter at bilang mga babae ay nagkakaintindihan ang mga ito. Habang ang dating defense chief ay nakatrabaho naman ni dating House Speaker Belmonte noong kasalukuyan pang kongresista sa Tarlac si Teodoro.
Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Lumalakas ang suporta sa posibleng tandem nina Davao City Mayor Sara Duterte at dating defense secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. sa 2022 presidential election.

Ayon kay ex-Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya Jr. maraming kongresista at local executives ang nagpahayag na ng kanilang suporta para sa Duterte-Teodoro tandem.

“There are many key leaders coming out and expressing support to us. First one was - and even I was surprised - Mayor Joy Belmonte of Quezon City. And then former Speaker and my godfather told me to count him in also,” pahayag ni Andaya.

Ayon kay Andaya, inaasahan na ang pagsuporta sa Sara-Gibo tandem ni Mayor Belmonte dahil kaibigan nito ang Presidential daughter at bilang mga babae ay nagkakaintindihan ang mga ito. Habang ang dating defense chief ay nakatrabaho naman ni dating House Speaker Belmonte noong kasalukuyan pang kongresista sa Tarlac si Teodoro.

Kabilang pa sa mga sumusuporta sa Sara-Gibo tandem ay sina da­ting Parañaque Rep. Gus Tambunting, Cebu Rep. Eddie Gullas at Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno.

Bukod dito ay luma­lakas din ang suporta ng dalawa sa Luzon, Visayas at Mindanao na inaasahan madaragdagan pa kung magdesisyon na mag-tandem sa national polls sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni Andaya na nakatakda silang magbalik muli ni Teodoro sa Davao City sa Hulyo 3 para makipagkita kay Sara na magpapaturok na ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine.

Sinabi ni Andaya sa una nilang pagbisita ni Gibo kay Sara sa Davao City ay nagkaroon na ang mga ito ng pag-uusap kung paano matutugunan ang pandemya, employment at partisipasyon ng pampublikong sektor sa pagbangon ng ekonomiya.

Magugunita na inianunsyo ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda na may planong tumakbo sa pampanguluhan si Sara bagaman una nang sinabi ng ama nitong si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang kumandidatong Pangulo ang kaniyang anak dahil hindi ito pambabaeng posisyon.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with