^

Bansa

Dahil sa travel restrictions sa Pinas higit 1K OFWs stranded sa Dubai

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Dahil sa travel restrictions sa Pinas higit 1K OFWs stranded sa Dubai
Matatandaan na inanunsiyo ni Presidential spokesperson Harry Ro­que na inaprubahan ng gobyerno ang pagpapalawig ng travel restrictions sa mga biyahera mula sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman hanggang Hunyo 30, 2021.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Mahigit sa 1,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Dubai ang hindi makauwi sa bansa dahil sa kanselasyon ng biyahe ng mga eroplano dahil sa travel restrictions sa Pilipinas.

Sa ulat ng GMA News Online, kinumpirma ni Consul General Paul Raymund Cortes na mahigit na sa 1,000 ang stranded na OFWs.

Ayon pa kay Cortes, ang mga OFWs ay nasa pangangalaga ng Philippine Consulate General sa Dubai.

Umaasa si Cortes na makakauwi na sa bansa ang mga stranded na OFWs bagaman at wala pang ibinigay na petsa kung kailan.

Kinansela ang biyahe noong Mayo na pinalawig hanggang Hunyo 30 bilang pag-iingat laban sa mas nakakahawang va­riant ng COVID-19.

Matatandaan na inanunsiyo ni Presidential spokesperson Harry Ro­que na inaprubahan ng gobyerno ang pagpapalawig ng travel restrictions sa mga biyahera mula sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman hanggang Hunyo 30, 2021.

Samantala, sinabi ng Department of Health na dapat maiwasan na ma­ging dominant ang Delta variant sa bansa na unang nakita sa India kaya dapat maging mahigpit ang pagbabantay sa mga borders.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat na ipatupad ang mga preventive measures upang maiwasang mangyari sa Pilipinas ang nangyayari sa ibang bansa na nagkakaroon muli ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant.

vuukle comment

DUBAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with