GAB chair kinasuhan sa Ombudsman sa paglabag sa COVID-19 protocol
MANILA, Philippines — Nahaharap sa kaso sa Office of the Ombudsman si Games and Amusement Board (GAB) Chairperson Abraham Mitra dahil umano sa paglabag sa COVID-19 protocols sa Puerto Princesa City, Palawan.
Nabatid na inireklamo si Mitra matapos makitaan umano ng mga paglabag sa minimum health protocols dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa ilang mga okasyon sa Puerto Princesa.
Kabilang dito ang pagdalo niya sa Balayong Fun Ride at Acacia Tunner Lighting noong Marso 6 sa Puerto Princesa City.
Ang kanyang mga larawan ay ini- upload sa kanyang facebook account kung saan nagpapakita na hindi siya nakasuot ng face mask at matapos ang isang linggo ay nagpositibo na siya sa COVID-19.
Kasong gross neglect of duty at negligence ang isinampa kay Mitra dahil sa pag-ikot nito sa siyudad bilang Authorised Person Outside Resident (APOR) subalit nabigong sumunod sa ipinapatupad na protocols habang nasa ilalim ng heightened Modified Enhanced Community Quarantine ang lungsod.
Bukod sa nasabing mga okasyon, nakita rin umano siya na dumalo sa isang wedding ceremony at reception, at pakikipag-dinner sa iba pang opisyal ng Palawan.
“Aggravating the situation was the subsequent travel and attendance to mass gatherings by Chairman Mitra after having been place to a place evidently prone to Covid-19 exposures, without regard to the possibility of further spreading the virus,” nakasaad pa sa reklamo.
Bukod kay Mitra nahaharap din sa kaso sa Ombudsman si Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron dahil rin sa umano’y paglabag sa COVID health protocol.
- Latest