^

Bansa

Pagsita sa walang face shield tuloy - PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pagsita sa walang face shield tuloy - PNP
Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, ipatutupad pa rin nila ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na paggamit ng face shield bukod pa sa face mask na proteksiyon laban sa virus na dala ng CoViD-19.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Tuloy ang paninita ng Philippine National Police sa  mga hindi magsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, ipatutupad pa rin nila ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na paggamit ng face shield bukod pa sa  face mask na proteksiyon laban sa virus na dala ng CoViD-19.

Aniya, pagsasabihan at paaalalahanan lamang ang mga lalabag. Hindi papatawan ng ano mang parusa ang mga hindi naka-face shield sa mga open at enclosed spaces.

Sinabi ni Eleazar na ang huling rekomendasyon ng IATF sa Pa­ngulo ay panatilihin ang “mandatory” na pagsusuot ng face shield sa enclosed spaces, commercial areas, public transport, terminals at places of worship.

Wala pang guidelines na nagpapahintulot sa hindi pagsusuot ng face shield.

Hangga’t wala pa aniyang desisyon ang Pa­ngulo ukol sa rekomendasyon, ay patuloy na umiiral ang kasalukuyang patakaran na magsuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Marami rin naman aniya sa mga mamamayan ang nasanay na sa pagsusuot ng face shield, kaya yung mga mangilan-ngilan na hindi nagsusuot ay dapat lang paalalahanan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with