^

Bansa

Huling SONA ni Duterte, fully vaccinated ang papayagang dumalo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Huling SONA ni Duterte, fully vaccinated ang papayagang dumalo
Bukod kay Pangulong Duterte ay dadalo ang mga opisyal ng Malacañang, counterpart sa Senado, security ng punong ehekutibo, ilang miyembro ng gabinete at iba pang mga VIPS gayundin ang mga piling mambabatas.
Robinson Ninal/Philippines' Presidential Photographers Division/AFP

MANILA, Philippines — Upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa, pinaplano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso  na pawang mga fully vaccinated lamang ang papayagang makadalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan.

Sa Hulyo 26 itinakda ang huling SONA ng Pa­ngulo sa Batasan Complex, Quezon City.

Ayon kay House De­puty Majority Leader at 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez, dahil may pandemya pa kahalintulad rin noong nakalipas na taon na ‘blended’ na kumbinasyon ng pisikal na pagdalo habang ang iba naman ay magpapartisipa via Zoom.

Sinabi ni Romualdez na sa pamamagitan nito ay tataas ang ‘vaccine hesitancy’ at darami ang magpapaturok laban sa COVID-19 kung saan ay posible ring itaas ang bilang ng mga dadalo sa huling talumpati sa bayan ni Pangulong Duterte.

Samantala pananatilihin pa rin ang pagsusuot ng face mask at social distancing bilang bahagi ng safety and health protocols.

Bukod kay Pangulong Duterte ay dadalo ang mga opisyal ng Malacañang, counterpart sa Senado, security ng punong ehekutibo, ilang miyembro ng gabinete at iba pang mga VIPS gayundin ang mga piling mambabatas.

Papayagan naman ang mga miyembro ng media na pisikal na magkober sa SONA pero dapat ay ‘fully vaccinated’ at kailangan pa rin ng koordinasyon sa House Secretary General.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with