_ngayon
^
Face shield sa loob na lang ng ospital - Duterte
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kumpirmado ang mga naunang pahayag nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador Joel Villanueva na hindi na gagamit ng face shield.
Boy Santos, file

Face shield sa loob na lang ng ospital - Duterte

Malou Escudero, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Malacañang na ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force na itigil na ang mandatory use ng face shield sa pag­labas ng bahay.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kumpirmado ang mga naunang pahayag nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador Joel Villanueva na hindi na gagamit ng face shield.

Sa halip, gagamitin na lamang ang face shield sa mga ospital.

Samantala, napagkasunduan naman ng IATF na irekomenda sa Pangulo na gawing mandatory ang paggamit ng face shield sa enclosed at indoor spaces.

Ayon kay Roque, nais ng IATF na manatili ang paggamit ng face shield sa loob ng ospital, eskuwelahan, trabaho, commercial establishments katulad ng malls, palengke, public transport at terminals at maging sa simbahan.

Paliwanag naman ng DOH at DILG na nakakadagdag proteksiyon ang face shield para hindi mahawaan ng COVID-19 at maaaring bawiin ito kapag marami na sa mga Filipino ang naturukan na ng COVID vaccine.

Idinagdag ni Roque na habang hinihintay ang desisyon ng Presidente, mananatili ang kasaluku­yang polisiya sa paggamit ng face shield.

Una rito, sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole noong Martes, inihirit ni Sotto ang hindi na pagsusuot ng face shield sa katuwiran na ang Pilipinas na lang sa buong mundo ang natatanging bansa na may polisiya tungkol dito.

FACE SHIELD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with