_ngayon
^
Duque iaapela kay Duterte ang pagpapatigil sa paggamit ng face shield
Para kay Duque, naniniwala siya na anumang uri ng patong sa bibig at ilong ay mas mabisa upang hindi mahawa ng COVID-19 kaysa sa wala.
Francisco T. Duque III via Facebook

Duque iaapela kay Duterte ang pagpapatigil sa paggamit ng face shield

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aapela si Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte sakaling tuluyang ipatigil na ang paggamit ng face shield at gagamitin na lamang sa loob ng mga pagamutan.

Para kay Duque, naniniwala siya na anumang uri ng patong sa bibig at ilong ay mas mabisa upang hindi mahawa ng COVID-19 kaysa sa wala.

Sinabi ng kalihim na hindi pa umano ito ang oras para itigil ang paggamit ng face shield sa mga pampublikong lugar lalo na sa mga ‘enclosed areas’ dahil sa mababa pa ang bilang ng nababakunahan kontra COVID-19 sa bansa.

Una nang sinang-ayunan ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na maaaring tanggalin ang face shields kapag nasa labas at isuot kung nasa loob ng mga ‘enclosed’ establishments, paaralan, opisina, pampublikong transportasyon at terminals, simbahan at iba pang pampublikong lugar na hindi maaaring makapag-physical distancing ng isang metro.

DOH FACE SHIELD FRANCISCO DUQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with