_ngayon
^
12.2 milyong Pinoy, jobless sa first quarter ng 2021 â SWS
Batay sa SWS survey, 25.8 percent ng adult labor force ay nananatiling walang trabaho pero mas mababa ng may 1.5 percent mula sa 27.3% o 12.7 milyong Pinoy na jobless noong huling quarter ng 2020.
STAR/Michael Varcas, file

12.2 milyong Pinoy, jobless sa first quarter ng 2021 – SWS

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang 12.2 milyong Pinoy ang walang trabaho sa unang quarter ng 2021 sa panahong nararanasan ng bansa ang pandemic.

Batay sa SWS survey, 25.8 percent ng adult labor force ay nananatiling walang trabaho pero mas mababa ng may 1.5 percent mula sa 27.3% o 12.7 milyong Pinoy na jobless noong huling quarter ng 2020.

Gayunman, ang latest figure ay may 8.3 percent na kataasan kumpara sa 17.5M adult joblessness noong December 2019 bago magkaroon ng COVID-19 crisis sa bansa.

Sa mga jobless, kabilang dito ang mga taong nag-resign sa trabaho, naghahanap ng trabaho at nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.

Ginawa ang survey sa pagitan ng April 28 at May 2. Ang pinakamaraming jobless ay mula sa Metro Manila (30.8%), sinundan ng Visayas (28.7%), Balance Luzon (24.2%), at Mindanao (23%).

JOBLESS SWS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with