^

Bansa

DOLE: Libreng bike sa ‘economic frontliners’ na magpapabakuna

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
DOLE: Libreng bike sa �economic frontliners� na magpapabakuna
Inisyal na maglalabas ng 2,000 bisikleta ang DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns sa ilalim ng programang “BakSikleta”. Ilalaan ang 1,000 sa mga bisikleta para sa National Capital Region.
STAR/File

MANILA, Philippines — Magbibigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng libreng bisikleta sa mga ‘economic frontliners’ o kabilang sa A4 category na makakakumpleto ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19 umpisa sa buwan ng Hulyo.

Inisyal na maglalabas ng 2,000 bisikleta ang DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) sa ilalim ng programang “BakSikleta”. Ilalaan ang 1,000 sa mga bisikleta para sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito ay paraan nila para hikayatin ang mga manggagawa na ituluy-tuloy ang pagpapabakuna at hikayatin pa ang kanilang mga kasamahan.

Kasama rin sa package ang libreng Android phone na may P5,000 load para magamit ng mapipiling manggagawa sa pagtatayo ng maliit na negosyo o sideline.

Kasama ring ipamimigay ang bike helmet, kapote, water bottle at thermal bag.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with