_ngayon
^

Bansa

Facebook live get-together ni Cayetano at mga kaalyado, nag-viral

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nag-viral ang get-together ni dating House Speaker Alan Peter Ca­yetano, maybahay nitong si 2nd District Taguig Rep. Ma. Laarni Cayetano at mga kaalyado sa Back to Service (BTS) sa Kamara na nakisaya kasama ang libu-libong mga Pilipino na umaasang mapapabilang sa P10K Ayuda na isinusulong ng kampo ni Cayetano. Ayon kay Caye­tano, para sa mga Pilipino, ang pagtawa ay natural na kakambal ng paghihirap.

Sa 20 minutong live­stream ay inanunsyo ang mga pinakabagong 175 benepisyaryo ng Sampung Libong Pag-Asa program -- tig-25 mula sa District of Taguig-Pateros, Taguig 2nd District, Quezon City, Bulacan, Laguna, Batangas at Camarines Sur.

Sa kalagitnaan ng livestream ay nasa 4,000 ang manonood at nang matapos ito ay umabot na sa 30,000 ang views at 60,000 comments.

Sa huling bilang, nasa kalahating milyon na ang nakapanood ng video, at nasa 100,000 na ang comment mula sa mga nagnanais mapiling benepisyaryo ng P10,000 ayuda.

Pebrero 1, 2021 nang ihain ni Cayetano at kaniyang mga kaalyado ang 10K Ayuda Bill. Ikinonsidera ito sa Bayanihan 3 ngunit ang probisyong naglalayong magbigay ng P10,000 na ayuda bawat pamilya ay hindi isinama.

Ang naaprubahang bersyon ng House ay maglalaan ng P200 bilyon para sa dalawang beses na P1,000 ayuda lamang bawat indibidwal.

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with