_ngayon
^
DOH nanawagan ng âblood donorsâ
Sa datos ng National Voluntary Blood Services Program ng DOH, bumaba ng 1,041,037 bags o 22 porsyento ang naido-donate na dugo sa kanila noong taong 2020 pa makaraang umabot sa Pilipinas ang COVID-19.
Andy Zapata Jr.

DOH nanawagan ng ‘blood donors’

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan ngayon ang Department of Health (DOH) para sa mga dagdag na donors ng dugo makaraang maapektuhan rin ito ng COVID-19 pandemic at ang serbisyong pangkalusugan na na-ngangailangan ng dugo.

Sa datos ng National Voluntary Blood Services Program ng DOH, bumaba ng 1,041,037 bags o 22 porsyento ang naido-donate na dugo sa kanila noong taong 2020 pa makaraang umabot sa Pilipinas ang COVID-19.

Sinabi ni Marites Estrella, program manager ng DOH-NVBSP, bumaba ang kanilang koleksyon dahil sa mga lockdowns at mga restriksyon na ipinatupad ng pamahalaan.

Dahil dito, naapektuhan ang mga health services na nangangailangan na salinan ng dugo ang mga pasyente.  Katulad na lamang ng mga pasyente na may COVID-19 na nagda-dialysis pa araw-araw, mga pasyente na bumaba ang hemoglobin at mga platelets.

Bumuo na rin ang DOH ng “Blood Services Network” kasama ang Philippine Red Cross at mga local government unit at sa pamamagitan nito napupunan ang kakula-ngan sa suplay ng dugo ng mga blood bank.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with